Bakit maganda ang buhay noong 90’s at early 2000?
- Mahilig pa maglaro ng outdoor games ang mga bata
- Wholesome pa ang mga bata noon at kahit ang mga teenagers. Walang masyadong party people noon. Wala rin masyadong teenager ang nawawalan ng virginity dahil mas mahilig sila sa romance.
- Wala pang emo noon.
- WALA PANG NASASABIHAN NG JOLOGS.
- May dance revo pa noon (ngayon kasi guitar hero na)
- SIKAT NA SIKAT ANG ERASERHEADS AT PAROKYA NI EDGAR NOON.
- Maraming kiddie morning shows. (sineskwela is my personal favorite)
- Hindi pa nireremake ang mga palabas na pinalabas na.
- Maraming nakakatawang sitcom (ex. arriba! arriba!, home along da riles)
- Palabas pa dati ang Wansapanataym, okatokat, flames, berks, gimik, click at kung anu ano pang youth oriented tv shows.
- Maganda ang mga palabas sa Nickelodeon
- May mga magagandang cartoons na ipinapalabas sa ABS-CBN at GMA tuwing hapon at umaga. Tulad ng Voltes 5, Ghost Fighter(ang favorite ko din. naalala ko pa nga crush ko dito si Vincent eh, siya ata ang first love ko), Cedie Ang munting prinsipe, Daimos, Sarah, Akazukin Chacha, Doraemon,Mojacko, etc.
- Uso ang Pogs, Texts, Beyblade, at Crushgear
- Wala pang problema sa pulitika noon (or feeling lang namin un dahil bata pa kami noon at wala pang alam sa mundo?)
-
Parangnakakapagexpress na ang mga kabataan dati through music, art, etc. -
Parangmaraming kanta ang sumikat sa paghihikayat sa buong mundo na magkaisa at pagpapakita ng nationalism